Ipagkatiwala at Magtiwala

Derek Prince
Published: 1970
Last Updated: November 2026
Read Time: 2
This teaching is not currently available in Deutsch.
Ipinagkatiwala sa Panginoon ang bawat sitwasyon at patuloy na magtiwala sa Kanya sa magiging resulta. Palitan ang pag-aalala ng pagtitiwala sa karunungan at pagkalinga ng Diyos.
Ito si Derek Prince, na naghahatid sa iyo ng mensahe mula sa Salita ng Diyos.
“Ipagkatiwala mo sa Panginoon ang iyong lakad; magtiwala ka rin sa Kanya, at kikilos Siya.” (Awit 37:5 NASB)
Nais mo bang ang Diyos ang mamahala sa iyong kalagayan, buhay at mga problema? May tatlong simpleng hakbang na itinuturo sa mga salitang binasa ko sa iyo.
Una, ipagkatiwala mo sa Panginoon ang iyong mga lakad. Isa itong tiyak at mapagpasyang hakbang. Ipagkatiwala mo lamang sa Kanya ang lahat at huwag mo nang panghimasukan. Para itong pagdadala ng pera sa bangko, pagdedeposito nito at pagtanggap ng resibo bilang patunay. Alam mong naideposito mo na ang pera.
Ang ikalawang hakbang ay patuloy na magtiwala sa Panginoon. Ang pagtitiwala ay isang saloobing dapat ipagpatuloy. Ang pagpapagkatiwala ay isang minsanang pagkilos, samantalang ang pagtitiwala ay dapat na patuloy. Magpatuloy ka lamang sa
pagtitiwala.
Ipagpalagay na kagabi ay nagdeposito ka ng pera sa bangko. Hindi mo naman patuloy na inaalala kung naroon pa ang pera mo o kung alam ng bangko kung paano ito pangangasiwaan. Nagtitiwala ka lamang sa bangko. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi bangko ang iyong pinagkakatiwalaan kundi ang Panginoon.
Kapag ginawa mo ang unang dalawang hakbang, ang ikatlong hakbang ay gagawin na ng Panginoon: Siya ang kikilos. Tutuparin Niya ito.
Anuman ang sitwasyong iniisip mo, anuman ang iyong pangangailangan, problema, o desisyong kailangang gawin, ipagkatiwala mo ito sa Panginoon. Iyan ang pagkilos. Magpatuloy ka sa pagtitiwala sa Kanya. Iyan naman ang saloobin.
Sa gayon, magkakaroon ka ng kahanga-hanga at payapang katiyakan: kikilos ang Panginoon. Siya ang may kontrol sa lahat.
Kung kaya mong ipagkatiwala sa bangko ang iyong pera, maipagkakatiwala mo rin sa Panginoon ang iyong problema. Ilapit mo lamang ito sa Kanya, ipagkatiwala mo ito sa Kanya, at patuloy kang magtiwala sa Kanya.

Kostenloser Download
Diese Andacht können Sie herunterladen, ausdrucken und für den persönlichen Gebrauch oder den Gebrauch in der Gemeinde weitergeben.
PDF herunterladenCode: WD-WFTW-002-TGL









