Ang Diyos ang aking Ama.

Derek Prince
Published: 1970
Last Updated: พฤศจิกายน 2026
Read Time: 2
This teaching is not currently available in ไทย.
Ang Diyos ay hindi isang puwersang walang personalidad, kundi isang mapagmahal na Ama na lumikha at nangangalaga sa Kanyang mga anak. Ang panalangin ni Jesus na “Ama namin” ay nagbibigay-katiyakan sa ilalim ng pamamahala ng Diyos at nagtuturo sa mga mananampalataya na magpakita ng Kanyang pag-ibig at habag sa isa't isa.
Ito si Derek Prince, at ang mensahe para sa iyo mula sa Salita ng Diyos.
“Magsidalangin kayo ng ganito: Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo.”(Mateo 6:9)
Ang dalawang pinakamahalagang salita sa huwarang panalanging ito ay ang unang dalawang salita: “Ama namin.”
Una sa lahat, kailangan nating malaman na maaari tayong manalangin sa isang Ama. Ang sanlibutan ay hindi basta kalipunan lamang ng mga pangyayaring nagkataon. Hindi rin ito laruan lamang ng mga materyalistikong puwersa na walang sinumang nakauunawa o may kakayahang kumontrol.
Higit tayo sa mga makina. Higit tayo sa mga bugso lamang ng damdamin o mga udyok. Tayo ay mga taong may buhay at hininga, nilalang ayon sa wangis ng isang Diyos na nagmamahal sa atin, nagmamalasakit sa atin, at nagnanais na maging Ama natin.
Sa likod ng lahat ng bagay sa sanlibutang ito ay hindi lamang isang puwersang walang buhay o isang mahiwagang kapangyarihan, kundi isang walang-hanggan at buhay na Persona. Siya ang ating Ama.
Siya ang may kontrol sa lahat ng bagay. Siya ang lumikha sa sanlibutan. Siya ang lumikha sa atin. Siya ang naglagay sa atin sa sanlibutang ito. Narito tayo dahil Siya ang naglagay sa atin dito.
Malaki ang epekto nito sa paraan ng ating pagtingin sa buhay, sa sanlibutan, at sa iba't ibang sitwasyon at kalagayan. Hindi natin kailangang makaramdam ng pag-iisa. Hindi natin kailangang mabuhay sa kawalan ng katiyakan. Nasa mga kamay ng Ama ang lahat ng bagay.
At dahil Siya ang ating Ama, marami Siyang anak. Isa lamang tayo sa kanila. Kailangan nating alalahanin na ang iba ay mga anak din Niya. Dapat natin silang isipin at pangalagaan ang isa't isa. Dapat tayong maging mabait sa isa't isa at magtulungan sa pagtugon sa mga pangangailangan ng bawat isa. Dapat nating ipakita sa isa't isa ang gayunding pag-ibig at habag na ipinapakita Niya sa atin. Tandaan natin, Siya ang Ama nating lahat.

ดาวน์โหลดฟรี
บทเฝ้าเดี่ยวนี้สามารถดาวน์โหลด พิมพ์ และแบ่งปันเพื่อใช้ส่วนตัวหรือใช้ในคริสตจักรได้
ดาวน์โหลด PDFรหัส: WD-WFTW-007-TGL









